Ako ay si Kimberly J. Reynaldo, 15 taong gulang at kasalukuyang nakatira sa Brgy. VI-E, San Pablo City. Ako ay ipinanganak noong ika-10 ng Oktubre, 1995 dito sa Lungsod ng San Pablo. Ang aking ama ay si Virgilio Reynaldo na nagtatrabaho bilang operator ng cooking oil sa Spring Cooking Oil sa Malabon City. Ang aking ina naman na si Jemma Reynaldo ay isang housewife. Kami ay pitong magkakapatid, apat ang lalaki at tatlo kaming mga babae. Ako ay pangalawa sa panganay naming kambal.
Ako ay nag-aral ng Kindergarten sa Day Care Center ng aming barangay. At ako ay pumasok ng elementary sa C.M Azcarate Elementary School. Simula Grade I ay nagiging honor student na ako pero nanh ako’y mag-Grade II ay nawala ako dahil sa lagi akong nagkakasakit. Pero bumawi ako nanag ako ay mag-Grade III. Simula rin noon, pinanlalaban na ako sa mga Mathe Competitions pati na rin sa Sudoku. May time pa nga na nauwi ako ng gabi dahil sa parereview naming pero hinahatid naman ako ng aking guro na si Bb. Freshiela Operiano sa aming bahay. Marami akong nagging kaibigan pero hindi matatawaran ang pagsasamahan naming magkakaklase. Sa lahat ng bagay kami’y nagkakaisa. Kung minsan mang may mag-aaway, sa huli ay nagkakabati rin.isa sa mga nagging bestfriend ko noong ako’y Grade V ay si Baby Jireh T. Bernabe, nag transfer siya sa aming skul noong Grade V kami. Siya na ‘yung lagi kong nakakasama araw-araw, nasasabihan ng mga problema at nagtutulungan kapag may proyekto. Pero nang kami’y mag-Grade VI, may isang bagay kaming hindi napagkasunduan na nagging sanhi nang aming pag-aaway. Simula noon, hindi na niya ako kinakausap, at sa akin masakit ito kasi siya na yung lagi kong nakakasama araw-araw. Ngunit nang magkagalit kami, na-realize ko na marami rin pala kong kaibigan na handang dumamay sa akin sa oras ng aking kalungkutan. Ang iba dito ay sina Aizel, Abigail at Jhovilyn. Nang magdaan ang mga arw, nauso sa amin ang mga pagbibigay ng sulat. Hlos araw-araw ay makakatanggap ka ng card mula sa kanila. Sabi nga nila mahirap daw kami paghiwahiwalayin. Kahit kasi sa pagkuha naming ng mga scholarship exam para sa high school naming ay sama sama parin kami. Kaya naman nang Graduation Day na, iyakan kaming lahat. Kahit ‘yung iba ay hindi masyado ka-close, napaiyak din kasi alam naming na bawat isa sa amin ay mahalaga. Ang huli naming pagkikita ay noong card giving. Todo bonding pa kami noon. May umiyak, may tumawa, may lumayo at karamihan ay nagyakapan dahil mamimiss naming ang isa’t isa.
Tama nga, iba’t ibang skul ang pinasukan naming, pero karamihan sa amin sa City High pumasok. Kami dapat apat nina Ate Aizel, Abigail at Jhovilyn ay sa Canossa papasok ngunit isa lamang sa aming apat ang nakapasa sa C.I. si Abigail lamang ang nakapasa. Sa Dizon High ako nag enroll, noong una ang seksyon ko ay A-section, pero dahil sa kakaunti lamang ang nakapasa sa Science Curriculum, kaming lahat ay pinakuha ng exam upang pumili ng sampung ililipat nila sa Science Section. Kinabukasan nga sampu ang kinuha at laking gulat ko nang mapasama ako dito. Noong una ay kabado ako dahil wala man lamang akong ka-close sa kanila. Akala ko mga English speaking, mga kill joy at walang imik ang mga ito dahil ito naman talaga karaniwan ang nagiging first impression nang tao sa mga matatalinong tao. Pero makalipas lamang ang tatlong araw, lahat na kami ay close sa isa’t isa. Mababait ang mga ito at medaling pakisamahan. Una sa mga naging ka-close ko ay sina Alejandra, Denise, Honey Rose at Marie Jhonna. Kami lagi ang magkakasama. May time na yung isa galit dun sa isa pero napgbabati naming sila. Sa kanilang apat, pinaka close ko ay si Denise. At one time nang makaaway ko ang isa sa kanila, si Denise lang yung lagi kong nakakasama that time. Natakot ako nab aka pati siya mawala kay naman pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan naming. Kahit kami lang, happy parin kami kasi alam naming na totoo kami sa isa’t isa. Pero alam naman natin na kapag may nag-aaway ay nagbabati rin, sa huli ay nagbati rin kami. Noong mag-second year na kami, si Jhonna ay lumipat ng ibang skul, apat nalang kaming natira at nabuo ang samahan naming na tinawag na “Pa-Cute na Ghurls” noong Setyembre 09, 2009. Kaming apat lagi ang magkakasama through thick or thin. Kung buong klase naman ang pag-uusapan, hindi mawawala ang mga lovelife ng bawat isa sa amin. ‘Yung time na kapag may crush ang isa sa aming magkakaklase at kapag nakita nang isa ay dali dali nitong sasabihin at makikinig mo na lamang ang mga tilian nang bawat isa. Kaya naman kapag ang topic ng klase ay tungkol sa love, siguradong lahat ay gising at nakangiti at kung minsan ay bigla mo nalang makikinig silang magsasabi nang “uyyyy!!!!”. Ayan ang 3-science kapag maraming projects mareklamo pero pakwento mo ang lovelife walang angal. Minsang kami’y lumaban sa Florante at Laura, kami’y pumangalawa lamang,dito naming nakita na kahit anong mangyari Masaya pa rin kaming haharapin ang mga ito. Hindi bale nang mahuli basta kami’y buo ayos lang.
Ngayon nga kami’y isang third year student na at hanggang ngayon nga ay buo pa rin ang aming samahan. Lumipas man ang maraming taon, hinding dindi kami magbabago. At sa bawat taong nadaan na ito maraming masasayang bagay, malulungkot, mangiyak-ngiyak at iba pang tagpo ang nangyari sa amin. Hindi naming makakalimutan ang mga hirap na dinanas naming manatili lamang kami sa Science Section. Alam naman natin na kapag juniors ay may J.S Prom, naganap na nga ang Prom naming na may motif na Hawaiian. Makikita mo ang mga naggagandahan at naggagwapuhang mga estudyante suot ang kanilang bulaklaking mga damit. Pati mga guro din ay naki-bonding! Ang saya nang gabing iyon dahil first time namin ito. Isa pang masayang nangyari sa amin ay noong ECOTOUR naming kasama si Mr. Ramon Legaspi. Madami kaming pinuntahan tulad ng Biotech, DOST, BPI at iba pa. pumunta kami dito para makakuha ng impormasyon para sa aming research paper na gagawin dahil magkakaroon kami ng defense tungkol sa title na gagawin namin. Umakyat pa kami ng bundok noon na may layong 3.5 km papuntang Arts Center. At maging pababa ay lakad pa rin kami pero ang saya pa rin, atleast naka-experience kaming umakyat ng bundok. At ang nakakatuwa pa ay noong nasa tuktok na kami ng bundok, may nakasulat na “Papuntang Langit”. Dito kami nag tanghalian at konting picture taking at bonding time. Marami kaming impormasyong nakuha mula sa mga pinuntahan naming lugar. Ala-sais na ng gabi nang kami’y makauwi. Worth it naman ang pagod naming na ito. Isa lamang ang mga ito sa mga masasayang pangyayari na nangyari sa amin. Kahit na may magkaka-away, hindi naging hadlang ito upang matapos ang lahat sa wala. Ngayon ako’y nagsusumikap mag-aral upang manatili sa seksyong ito at mapabilang sa mga honor student.