Ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National High School ay isang paaralan sa San Pablo na tinitingala ng maraming estudyante, magulang at iba pa. Dahil sa magagandang turo ng mga guro ditto, maraming magulangb ang gustong pag-aralin ang kanilang anak ditto dahil hindi lang sa natututo ang kanilang mga anak sa bawat asignatura, natututo rin sila ng mga magagandang asal.
Si Arkian ay isang matalino at mayamang bata ngunit salat sa pagmamahal ng mga magulang. Siya ay may isang “secret laboratory” sa kanilang mala-mansyon na bahay na siya lang ang nakakaalam. Mas pinila nito na sa Dizon High pumasok. Paborito niya ang asignaturang Agham lalo na kapag pinag-uusapan ay tungkol sa mga teknolohiya. Isang proyekto sa Agham ang binigay ng kanilang guro para sa kanilang thesis paper. Bago sila umuwi ng kaniyang mga ka-grupo, nagpulong pulong muna ang mga ito para sa gagawin nilang proyekto. Dahil sa sobrang gabi na, napagkasunduun na lamang nila na umisip ng magandang gawin para dito.
Pagkauwi nito sa kanilang bahay ay dumiretso agad ito sa kaniyang kwarto at binuksan ang kanyang laptop. Hindi nito namalayan na nakatulog na pala siya sa harap ng kanyang laptop. Isang tinig ang kanyang narinig, nakita niya ang isang robot na pilit gumigising sa kanya. Isang robot na siyang gumagawa ng lahat ng gawain sa kanilang bahay tulad ng ginagawa ng kanilang kasambahay. Nakita niya ang mga itong naghuhugas ng pinggan, nagwawalis ng kanilang salas at iba pa. May mga nag-aasikaso rin sa kanya at may mga bodyguards din siyang robot at siyang naging kasama. Naalimpungatan siya at nagising mula sa isang tinig ng kanilang katulong at ang sabi’y “Sir Arkian gising nap o kayo, baka ma-late po kayo sa inyong klase.” Akala niya ay isang robot ang gumising sa kanya ngunit ito ay si Nanay Ising, ang matagal na nilang katulong. Napagtanto nito na isang panaginip lang pala ang lahat.
Nang siya’y makarating sa Dizon High, agad silang nagpulong ng kaniyang grupo at inisa isa ang kanilang opinion, nang siya na ang magsasabi ay isang salitang “robot” ang lumabas sa kaniyang bibig. Kaya naman iminungkahi nito na isang robot na lamang ang kanilang gawin na kayang gawin ang lahat ng mga gawain sa kanilang bahay. At agad naman itong sinang-ayunan ng lahat. Sila’y naghanda na para sa kanilang gagawing proyekto. Tinatayang mahigit kalahating taon ang kanilang gugugulin para sa proyektong ito.
Pagkaraan ng kalahating taon ng kanilang ginawa, natapos nilang lahat ang kanilang proyekto ng matagumpay. Isang robot na siyang magiging parang katulong sa isang bahay. Ito ay kanilang tinapos sa kanilang paaralan at pagkatapos ay kanila na nilang ipinaliwanag ang maaaring maitulong nito sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Ngunit paglipas ng ilang buwan, napansin nila na marami pa rin itong hindi kayang gawin na kayang gawin ng kanilang mga kasambahay. Kaya naman isang konklusyon ang kanilang nasabi sa kanilang guro na kanila mismong na-obserbahan.
Sa huli, masasabi kong mas mahalaga pa rin ang lahat ng tao kaysa sa mga bagay na kathang isip lang o gawa gawa lamang. Kaya naman dapat natin mahalin at pahalagahan ang ating kapwa. Dapat tayong magpasalamat sa Diyos dahil sa mga biyayang kanyang ipinagkaloob.
No comments:
Post a Comment