Wednesday, February 16, 2011

Sino ang kumuha ng Lightning Bolt ni Zeus??



Si Percy Jackson ay labindalawang taong gulang. Siya ay anak ni Poseidon. Nang mawala ang lightning bolt ni Zeus ay inakusahan nito na si Percy ang kumuha nito. Kaya naman binigyan lamang sila ni Zeus ng labing apat na araw upang ibalik ito at kung hindi ay magkakaroon ng digmaan.

            Walang kaalam alam si percy sa buong pagkatao niya.Bigla nalang siya inatake sa museum ng isang halimaw na nagpanggap na isang guro. Dahil dito, nalaman ni Percy na siya ang anak ni Poseidon at ang kanyang kaibigang na si Grover at ang kanyang guro na si G. Brunner ay kanyang mga tagapagbantay  Dahil sa nangyari, pinuntahan nila ang ina ni Percy upang pumunta sila sa Camp Half-Blood. Ngunit sa kasamaang palad, inatake ang kanyang inang si Sally, ng isang Minotaur at ito’y nawala. Habang sina Grover at Percy ay nakatakas at nakapasok sa kampo. Percy ay inilipat sa Cabin Hermes sa ilalim ng pangangalaga ni Lucas, ang cabin counselor.
            Nakilala ni Percy  si Annabeth  sa Camp Half -Blood, ang anak ni Athena, at ito’y kanyang naging matalik na kaibigan. Nalaman niya na pinagbintangan siya ni Zeus na nagnakaw ng lightning bolt nito, pinagbigyan siyang hanapin ito dahil naniniwala ang kanyang tagapagturo sa camp na si Hades ang kumuha ng lightning bolt.Pumunta sina Annabeth at Grover sa underworld upang kunin ang lightning bolt at iligtas ang kanyang ina. Upang makapunta sa underworld kailangan muna nilang kunin ang tatlong perlas sa iba't ibang lugar sa America.
            Gamit ang mapa, una silang nagtungo sa tirahan ni Medusa. Kasunod naman ang isang museum na tulad sa Parthenon kung saan nakalaban niya ang isang dragon na maraming ulo. At ang huli ay isang casino sa Las Vegas, Nevada. Doon ay nakakain sila ng "lotus cookies" na naging dahilan para mawala sila sa sarili at makatulog ng hindi nila nalalaman dahil sa pagkakaalam nila ay nagsasaya lamang sila. Nagising si Percy kaya naman ginising niya na rin si Annabeth at Grover sa katotohanan. Nang makalabas sila sa casino, isang araw na lang ang natitira upang malaman nila kung nasaan ang Lightning bolt. Nagmadali silang pumunta sa Hollywood, California dahil doon itinuro ng mapa ang underworld.
             Sa underworld, nakita nila si Hades. Nalaman nilang nasa kalasag palang binigay ni Luke kay Percy ang lightning bolt ni Zeus.Sa tulong ng katulong ni Hades, napatay nila ito at nakuha ang kanyang ina. Ngunit dahil hindi sila maaring umalis nang walang maiiwan na isa, nagpa-iwan si Grover sa underworld. Dali- dali silang umalis upang ibigay kay Zeus ang lightning bolt nito ngunit duamting si Luke at kinalaban si Percy. Sa huli, natalo si Luke at naibigay ni Percy ang lightning bolt kay Zeus. Hiniling niya dito na ibalik si Grover at maayos silang nakabalik sa Camp Half-Blood.

No comments:

Post a Comment